Sa Huling Hapunan itinatag ni Hesus ang Eukaristiya. Gusto niyang manatili ang kanyang presensiya sa kanyang komunidad magpakailanman. Kasama sil a patuloy siyang magbibigay salamat sa Ama sa pamamagitan ng sakramental na simbulo ng tinapay at alak.
Sabi ni Hesus: “Gawin niyo ito bilang pag-alala sa akin!” Ito ay inintindi bilang pagbibigay kapangyarihan sa mga disipulo na isagawa ang Eukaristiya sa Kanyang pangalan. Buong kabanalang pinatunayan ito ng Council of Trent : « Sa pamamagitan ng mga salitang « Gawin niyo ito bilang pag-alala sa akin ! » itinatag ni Kristo ang mga apostoles bilang disipulo at ordinado upang sila at iba pang mga pari ay mag-alay ng Kanyang katawan at dugo. Ito ang matagal nang turo ng Simbahan » (1562 AD ; Denz. No. 1740, 1752).
Noong Middle Ages hindi binigyang pansin ng lahat na mga lalaki lamang ang mga naroon sa Huling Hapunan. Ito ang iginuhit ni Leonardo da Vinci sa kanyang popular na likha. Sa mga salita ni Durandus a Saint-Pourcain (1270-1334 AD): “Mga lalaki lamang ang inordinahan ni Kristo noong hapunan kung saan ibinigay ni Kristo ang kapangyarihan na mag-konsekra.”
Pero, totoo ba ito? Wala nga bang mga babae?
![]() LAST SUPPER by Bohdan Piasecki | Ang Huling Hapunan ay Paschal Meal. Alam natin ito mula sa ebanghelyo. Ipinahanda ito ni Hesus bilang Passover kasama ng kanyang mga disipulo. “Gusto kong kumain ng Passover kasama kayo” (Lukas 22:7-16). Isa pa, ang buong pamilya, kasama ang mga babae, ay kailangang kasama sa Paschal meal (Exodus 12: 1-14). |
| Kaya nakasisiguro tayo na ang nanay ni Hesus at ang mga babaeng disipulo ay naroon sa Huling Hapunan. Sa lahat ng disipulo sinabi ni Hesus : Ito ang aking katawan. Ang mga salita ni Hesus “Gawin niyo iton bilang pag-alala sa akin!” ay para sa lahat ng disipulo, lalaki at babae. Samakatuwid, binigyan silang lahat ng kapangyraihan ni Hesus na tumanggap ng Holy Orders at magselebra ng Eukaristiya. | ||
![]() |
| 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 |
| baptised | empowered | liberated | ordained | affirmed | supported | called |
| You are in a simplified, ‘key point presentation’ mode. To switch to academic mode, click here! |


